Kailangan ba ng tulong sa inyong wika para maintindihan ang business.gov.au?
Kung hindi ninyo matagpuan ang impormasyong hinahanap ninyo sa wikang Tagalog, itong sumusunod na mga ugnay ay makakatulong sa inyong makontak ang serbisyong inyong kailangan.
Pambansang Serbisyo ng Tagasalinwika at Pag-iinterprete (Translating and Interpreting Service (TIS) National)
Ang TIS National, mula sa Kagawaran ng Imigrasyon at Proteksyon ng Hangganan (Department of Immigration and Border Protection (DIBP)) ay nagdudulot ng mga taga-interprete sa telepono 24 oras bawa’t araw, 7 araw sa isang linggo. Magagamit ninyo ang serbisyo sa numerong 13 14 50 saan mang lugar sa Australya sa halaga ng isang lokal na tawag
Maykapangyarihan sa Pambansang Akreditasyon ng Mga Taga-interprete at Tagasalinwika (National Accreditation Authority for Translators and Interpreters (NAATI))
Para makahanap ng tagasalinwika o taga-interprete na may akreditasyon o kinikilala ng NAATI, maaari kayong:
- maghanap sa kanilang Direktoryo sa Internet (Online Directory)
- tumawag sa NAATI sa 1300 557 470 (sa Australya lamang).
Dilaw na Direktoryo (Yellow Pages)
Makakahanap kayo ng mga tagasalinwika at taga-interprete sa Yellow Pages sa pamamagitan ng pagtunghay sa "Interpreters" o "Translators".
Impormasyon sa iba’t-ibang mga wika ng Kagawaran ng Mga Serbisyong Pantao (Services Australia)
Ang Services Australia ay nagbibigay sa ‘online’ ng mga isinalinwika sa karamihan ng kanilang mga inilathala, kabilang ang impormasyon:
- para sa mga bagong dating na mga migrante
- para sa mga di-buong oras at kaswal na mga manggagawa
- tungkol sa mga kasunduan ng panlipunang seguridad sa pagitan ng Australya at iba’t-ibang mga bansa
- tungkol sa mga kabayaran at serbisyo.
Mga serbisyo sa pag-iinterprete at pagsasalinwika ng Kagawaran ng Mga Serbisyong Pantao (Services Australia)
Ang Services Australia ay nagbibigay ng libreng serbisyo sa pag-iinterprete at pagsasalinwika para sa kumpidensyal na pagtulong sa inyong pag-aaplay ng mga bayad at serbisyo.
Kagawaran ng Imigrasyon at Proteksyon ng Hangganan (Department of Immigration and Border Protection (DIBP))
Ang DIBP ay may listahan ng mga isinalinwikang mga polyeto na may pagpapayo sa mga bagong migrante at mga taong interesado sa pagkuha ng mga bisa (visa).
Impormasyon sa iba’t-ibang wika ng Tanggapan ng Pagbubuwis ng Australya (Australian Taxation Office (ATO))
Nagbibigay ang ATO ng mga lathalaing nasa ‘online’ upang maintindihan ninyo ang buwis sa Australya. Matutunghayan ang mga bersyon sa Arabic, Assyrian, Auslan, Burmese, Chinese, Croatian, Dari, Dinka, Farsi, Greek, Hindi, Indonesian, Italian, Japanese, Karen, Khmer, Korean, Macedonian, Russian, Serbian, Somali, Spanish, Thai, Turkish at Vietnamese.
We use cookies to give you a better experience on our website. Learn more about how we use cookies and how you can select your preferences.